About Me

My photo
Braving the unknown. I wonder and I wander.

August 8, 2013

UnCrush si Crush

Si Tala

Ang kwento ni Tala, ordinario, hiskul ang peg. pero db ang totoo, lahat naman ke matanda o bata, huma-hiskul peg pa rin pag may time. :)
Ako si Tala..Kagabi, Inubos ko ung tatlong oras ko sa kanya..
wala pa rin siyang kupas, Smarte, kalog, nakakabighani.
sa bawat pag-ikot ng daliri ng orasan ay siyang pagbugso muli ng aking nararamdaman..

napapangiti pa rin ako ng may kasamang kilig.
nakakalunod pala talaga pag kinikilig, ung tipong kailangan mong isigaw upang huwag sumabog.

habang inuubos ko ang oras ko sa kanya, nakikita ko ang kanyang mukha, naririnig ko ang kanyang tawa at sa totoo lang naaamoy ko siya. weird..

Hinayaan kong lunurin ako ng kilig, hinayaan kong lunurin ako ng mga kantang kahit hindi lovesongs eh binibigyan ko ng meaning.alangya! shabu pa! haha
 
Haissst! lahat may kulay,lahat may ngiti, lahat may kilig, lahat masaya!

(insert song: Crush by Mandy Moore. ayieee!)
Sa totoo lang, magdadalawang buwan ko nang binura (ok, pilit na binubura..) ang kung anu man ang nararamdaman ko sa kanya..

may mga panahon kasi na nauuntog din ako at napapaisip na hindi naman talaga tama ang mga nangyari/nangyayari.

May ilang libong beses na rin na nasabi ko sa sarili ko na sugal ang kung anung meron man ako para sa kanya

pero hindi tulad sa sugal na may winners take all, dito eh I can't take all. It's either i continue with this or lose the friendship. syempre, hindi ko afford na mawala ang pagkakaibigan.

*flashback of memories*

Risky ang ginawa ko ng gabing iyon.. 'yung ubusin ko ung oras ko sa kanya..
nakakatakot sa totoo lang, nakakatakot dahil alam ko sa sarili kong uusbong ulit ang isang bagay na pilit ko nang pinapakawalan..

Sa loob ng tatlong oras, nag tiyaga akong pakiramdaman siya, pakinggan, unawain..
at muli, hindi pa man tapos ang tatlong oras, nalusaw ulit ang puso ko..
tulad ng dati, kinilig at nawala ako sa sarili.
nakakabaliw..

(insert song: Baliw ng KissJane)

sunod'sunod ang flashback ng memories. masasayang memories! ang sayaaa! 

ung 'stay the night' ni james blunt? Gahhhd umaariba sa utak ko.haha!

Ang pag flashback ng memories nakakalunod din pala noh? 'langya nga eh, totoo ngang ang tadhana eh mayroong trip na makapangyarihan..tsk!

ang mga ganun moments na aayaw ka na, pero napapasipa ka pa.
'tragis! ang landi lang. :)

(insert song:  Stay the night. ♫)

Sa loob ng tatlong oras, sinubukan ko din naman mag reach'out.
ang hirap. ung sinusubukan mong gibain ang invisible wall. shit lang!

type sa celfone..
send..
no reply..

'yong patapos na oras na ginugugol ko pero no reply pa rin, un ang unang ouch..
kung nakaka pag salita lang ang sad face, malamang nabingi na ako. :(

napaisisp na nmn ako, haist ang sakit kayang maging themesong ang "why can't it be".

nakakapang mura..

(insert song: Why can't it be.)
http://www.youtube.com/watch?v=Evzx8N87_xQ

Habang paubos na ang oras naming dalawa..Bigla siyang humirit!
pero hindi sa akin.. sa iba. ang haroooot!

Imaginin mo ung isang baso na nasagasaan ng 16-wheeler na truck. crashhhh! basag! pira'pirasong puso..

Dati, di rin naman ako naniniwalang nadudurog ang puso. pero nung gabing 'yun, napatunayan ko, at hindi lang basta durog. kundi durog na durog.. :(

(insert song: First cut is the deepest.HAHA)
http://www.youtube.com/watch?v=IFrVfH54Q1Y

Ang harot! ang harot'harot! napaka haroooot niya!
 

pero sa totoo lang, likas sa kanya ang mang harot.
pero alam ko may lalim siyang tao..
 
totoo ngang pag may nararamdaman ka sa isang tao, minsan nakaka badtrip pag nanghaharot siya ng iba.
samantalang dati, wagas kami makapag harutan.

muli kong kinuha ang aking celfone.
create msessage
send?
teka send?
isesend ko ba toh?
......................
message deleted.

tatanungin ko sana siya kung type nya yung hinaharot niya. pero nakakatakot magtanong. bakit? kasi nakakatakot marinig ang kanyang isasagot..

Paubos na ang tatlong oras ko sa kanya..
iUncrush na yan!

Ang dali lang naman pala eh, inisip ko lang na mas importante ang friendship kesa sa mga crush'crush.haha
hindi ko alam kung saan ako humugot nang lakas ng loob nang gabing iyon upang i'unCrush sya agad'agad.
habang papaubos ang oras, unti'unti na ring lumalabo ang kanyang mukha sa aking isipan.. ung malutong niyang tawa? humihina na ang tunog nun sa aking tenga..

I'uncrush na, dahil mas mahalaga ang pagkakaibigan..
pagkakaibigang sinubok na minsan..dahil kasi sa aming kaharotan..
nakakatakot nang muling mgkaroon ng wall, ung floating ang status.
hassle, badtrip, nkaka pakyu lang pag ganun.

kailangan na talagang pakawalan toh..
i'Let go ang mga bagay'bagay.
but not the friendship..

(insert song: Art of Letting go by Mikaila)
http://www.youtube.com/watch?v=rUGMWwWiKac

Natapos na ang tatlong oras na ginugol ko sa kanya.
kasabay nun ang pagtatapos ko sa kung anu man ang nararamdaman ko sa kanya.

tumayo ako ng kama.
pinatay ko na ang RADYO.
nanood na lang ako ng TV sa sala. :)


Note:
Above Story is Fiction. Meaning the informations, characters or events are not factual, but rather, imaginary and theoretical—that is, invented by the author. :)



No comments:

Post a Comment